All UP Workers Union- Manila
Setyembre 13, 2004
Tuloy ang laban para sa ating manggagawang pangkalusugan! Ang paggigiit ng P3,000 dagdag sahod, across the board ng mga kawani ng pamahalaan, kabilang na tayong mga manggagawang pangkalusugan ay makatwiran at may mga pinagbabatayan. Lubhang naiwanan na ng panahon ang sahod natin sa harap ng walang patumanggang pagtaas ng bilihin, langis, pamasahe, kuryente at iba pang pangangailangan ng mamamayan tulad sa kalusugan at edukasyon. Lalo pa itong maiiwanan sa panukala ng pamahalaang Arroyo na magtaas ng paniningil sa buwis. Walang puknat ang ginagawang pagsikil ng rehimeng Arroyo sa karapatan at kabuhayan ng mamamayan.
Hindi na maitatago ang nabubulok na ekonomya, mismong ang pamahalaan ang nagsabi na tayo ay nasa gitna ng krisis pampinansya. Ngunit di wasto ang pamamaraan ng pamahalaan para masolusyunan ito, bagkus lalo lamang pinapalala nito ang krisis. Mali na sa karaniwang mamamayan ipapabalikat ang pinakamalaking pasanin tulad ng paniningil ng mas mataas na buwis, di pagbibigay ng karampatang sahod at pinakamasahol: ang paglaan ng kakarampot na badyet sa serbisyong panlipunan sa taong 2005 tulad sa kalusugan at edukasyon. Samantalang nanatili ang mataas na porsyento ng apropriasyon sa badyet para sa pambayad utang na di naman pinakinabangan ng mamamayan at badyet para sa militar. Malinaw na ang mga hakbanging ito ay pagyurak sa karapatang pantao at kabuhayan ng mamamayan.
Ang krisis pampinansya ay matagal nang nagsimula, ito ay dahil sa walang patumanggang korupsyon ng mga matataas na opisyales ng pamahalaan, kabilang na ang gastusin nang nakaraang eleksyon; pagpapatupad ng patakarang liberalization sa ekonomya, pribatisasyon at deregularisasyon ng mga batayang serbisyo at pangangailangan na palaging pumapabor sa mga malalaking dayuhang monopolyo kapitalista. Ang mga patakarang ito ng pamahalaan ay nangangahulugan ng patuloy na pagtalima sa dikta ng Estados Unidos sa ngalan ng imperyalistang globalisasyon.
Kaya ang ALL UP WORKERS UNION ay naninindigan na wasto ang ating ipinaglalaban sa makatarungang sahod. Nasa atin ang hamon upang magpatuloy sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa ating hanay para sa ating kabuhayan at karapatan at maging sa kagalingan ng mamamayan.
P3,000 ACROSS THE BOARD DAGDAG SAHOD IBIGAY!
MANGAGAWANG PANGKALUSUGAN MAGKAISA! IPAGTANGGOL ANG KARAPATAN AT KABUHAYAN NG MAMAMAYAN!
Mula sa Philippine General Hospital (bed cap: 1,410 beds) at maging sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila, hanggang mga pampublikong ospital at health center sa buong bansa at mga manggagawang pangkalusugan na nagsisilbi sa mga kumunidad - to ang aming kuwento at mga laban...
Monday, September 13, 2004
Sunday, September 12, 2004
Saturday, September 11, 2004
Kalbuhan sa PGH para sa P3,000.00 across-the-board na Dagdag Sahod
Ika-11 ng Setyembre, 2004
MEDIA ADVISORY
Reference: Jossel Ebesate
TagapanguloAll UP Workers Union Manila
Tel. No. 404-3721/0918-9276381
Nakatakdang magsagawa ng malawakang pagpapakalbo ang mga manggagawang pangkalusugan sa UP-PGH bilang protesta sa pagwawalang-bahala ng pamahalaan sa lumalalang kalagayan ng mga kawani at paggigiit na maipatupad ang P3,000.00 Across-the-Board Salary Increase. Ito ay gaganapin sa ika-13 ng Setyembre 2004, Lunes sa Flagpole ng PGH, mula ika-12 hanggang ika-1 ng hapon.
Note: With photo opportunity

Friday, September 10, 2004
Monday, August 23, 2004
P3,000 ACROSS-THE-BOARD SALARY INCREASE, IPAGLABAN!
Makiisa sa Gagawing Noise Barrage sa Huwebes, Agosto 26, 200412:00 –1:00 PM sa PGH Flagpole.
Patuloy na lumalala ang kondisyon ng mga manggagawa at kawani ng pamahalaan. Ang patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso at ang walang patumanggang pagtaas ng mga presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin, maging tubig at kuryente ang lalong nagpapalubog sa ating mga kawani sa animo’y kumunoy ng kahirapan. Ano nga ba ang tugon ng administrasyong Arroyo? P20-increase sa emergency COLA ng mga manggagawa sa pribado. Ang pulis at militar ay dalawang beses tinaasan ang suweldo at benepisyo sa tatlong taon ng panunungkulan ni Pangulong GMA. Samantalang sa mga sibilyang kawani ng gobyerno, wala ni kusing! Hindi ba tayo niloloko nito?
Hindi mapakali ang gobyerno sa paggawa ng kung anu-anong malaband-aid at patapal-tapal na solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa, kagaya ng pagpapataw ng karagdagang buwis at pagsasapribado ng mga pangunahing serbisyo kagaya ng tubig at kuryente na sa bandang-huli, ang mga mamamayan pa din ang apektado. Imbis na tulungan, lalong pinapahirapan.
Ang ating panawagan ay karagdagang sahod! Nananawagan ang All UP Workers Union kasama ang lahat na mga kawani sa pamahalaan ng P3,000 Across-the-Board Monthly Salary Increase. Batay sa ulat na ipinalabas ng NEDA (Abril 2003), ang isang pamilyang may anim na miyembro ay dapat na kumikita ng P16, 433.00 kada buwan para sa isang disenteng pamumuhay. Ang ganitong pamantayan ay napakalayo kung ikukumpara sa mga kawani natin na sumasahod lamang ng P5,080.00 kada buwan para sa Salary Grade 1. Kaya’t makatarungan lamang na ang panawagan natin para sa P3,000 na pagtaas ng sahod upang maibsan man lang ang patuloy na pagbaba ng kalidad ng pamumuhay.
Noong nakaraang Marso, sa kasagsagan ng pangangampanya ng Pangulong GMA ay nagpahayag ang ang Inter-Agency Budget Coordinating Council na magbibigay daw ang gubyerno ng karagdagang 10% sa suweldo ng mga kawani. Ito ay mariin nating tinututulan dahil ang makikinabang na naman nito ay ang dati ng matataas ang sahod. Habang ang karamihan sa atin ay hindi mararamdaman ang karagdagang ito. Kaya’t tama lamang ang ating panawagan para sa P3,000 across-the-board monthly Salary Increase. KAYANG ibigay ito ng gobyerno, sa katunayan, HIGIT pa dito ang kayang ipagkaloob KUNG seryoso lamang ito sa pagsugpo ng mga katiwalian ng pamahalaan, tulad na lamang ng IMPSA ($14M), Piatco ($100M), CODE-NGO Peace Bond (P10B), Macapagal Boulevard (P600M), Land Bank Tax Scam (P205B), Telecom Franchise Bills Bribery (P50M), Jose Pidal Account (P260M) at maging ang pagwaldas ng tinatayang halos P15 – P17B mula sa PCSO, PAGCOR, GSIS, OWWA, at DA na ginamit sa nakaraang kampanyang reelection ng Pangulo.
Ang tinatayang P43B na kailangan para sa P3,000 monthly increase ng may 1.2M na mga kawani ng gubyerno ay barya lamang sa halos P700B taon-taon na ibinabayad ng gubyerno sa kautangan nito kung saan marami dito ay hindi ang Sambayanan nakinabang at napunta lamang sa iilang pribadong kumpanya at mga indibidwal.
Ang ating laban sa sahod ay bahagi rin ng ating panawagan para sa pagtaas ng badyet pangkalusugan at pagkakaloob ng iba pa nating mga benepisyo – quarterly rice subsidy, backpay ng COLA, increase ng hazard pay, subsistence allowance at iba pa.
10% Salary Increase Hindi Sapat! P3,000 Across-the-Board Ang Dapat!
Badyet Pangkalusugan, Dagdagan! Mga Benepisyo, Ipatupad!
Makiisa sa gagawing Noise Barrage sa Huwebes, Agosto 26, 200412:00 –1:00 PM sa PGH Flagpole.
All U.P. Workers Union, Manila Chapter
Ika-23 ng Agosto 2004

Subscribe to:
Posts (Atom)