Friday, July 29, 2011

State of the People’s Health: Pahayag ng Mga Manggagagawang Pangkalusugan

Press Statement
July 28, 2011

References:
  • Jossel I. Ebesate: AHW National President, Mobile number: 09189276381
  • Robert T. Mendoza: AHW Secretary General,  Mobile number: 09324649757

Nitong Hulyo 25 ikalawang State of the Nation’s Address  ni Pangulong Benigno Aquino III, ipagmamalaki nito ang mga “nagawa” ng kanyang administrasyon.
Pero ano ang “ginawa”ni Aquino para sa mga pasyente at manggagawang pangkalusugan? Ito ang state of our public hospitals and public health workers:
·         Sabi ni PNoy- “Ang budget po ang pinakamalinaw na pagsasabuhay ng ating tuwid na landas” PERO, Kinaltasan nito ang badyet para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng pampublikong ospital nitong 2011. Kulang na nga, lalo pang nagkulang ang mga gamot, suplay, at gamit. Tumaas ang singil sa Philippine General Hospital (PGH), Philippine Orthopedic Center (POC), at Philippine Heart Center (PHC), Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine Children’s Medical Center (PCMC) at East Avenue Medical Center (EAMC).
·         Sabi ni Pinoy,  “Walang maiiwan sa tuwid na landas” Pero lalo nang di maaabot ng ordinaryong mamamayan ang serbisyong pangkalusugan dahil sa public-private partnership at iba pang porma ng pribatisasyon sa pampublikong ospital. Kumikita at tumutubo ang pribadong sektor sa iba’t ibang ospital gaya ng Himex sa radiology ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), at Carte-blanche sa dietary at Fabricare sa Laundry ng LCP. Ibebenta ang lupa ng National Center for Mental Health (NCMH) at isusubasta ang PHC. Ipapailalim sa Public-Private Partnership ang POC, San Lazaro Hospital (SLH), at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
·         Binabawi at kulang ang mga benepisyo ng mga manggagawang pangkalusugan. Mahigit  P100,000/empleyado ang disallowances sa LCP, pinababalik ang Loyalty Incentive at itinigil ang Birthday cash gift at work-life balance sa PHC, pinapipili sa longevity pay at step increment sa POC at Tondo Medical Center, at hindi updated ang hazard pay sa NCMH. Walang CNA incentives ilang taon na sa PHC at LCP. Kulang at halos walang benepisyo ang mga health workers sa Local Government Units.
·         Wala ni singkong dagdag sa sweldo! Nilinlang tayo sa diumano pagpapaaga ng implementasyon ng Salary Standardization Law 3 third tranche at mid year bonus, pero sa harap ng matinding krisis, wala pa ring dagdag sa sweldo!
·         Sabi ni PNoy, “Dagdag-trabaho ang unang panata natin sa Pilipino. Ang 8 percent na unemployment rate noong Abril ng nakaraang taon, naibaba na sa 7.2 percent nitong Abril ng 2011.” Pero tanggalan o streamlining sa anyo ng transfer, attrition at early retirement ang nagaganap sa health workers. Walang dagdag na plantilla, habang pinapalaganap ang kontraktwalisasyon, job-order, “volunteerism” at iba pang flexible labor arrangements.
·         Nililinlang, hinahati ang hanay ng manggagawang pangkalusugan at dinudurog ang militanteng union sa pampublikong ospital. Hindi kinikilala at ginigipit ng management ang mga accredited sole bargaining unit sa NCMH, JRRMMC, POC at PCMC.  Itinutulak ng DOH at hospital management sa basbas ng administrasyong Aquino ang pro-management unions gaya ng UKKKS na nag-aalok ng P40,000 incentive kapalit ng karapatan at kalayaan sa pag-uunyon.
Sabi ni PNoy, “Mga minamahal kong kababayan, ang aking butihing mga boss” Pero sino ang tunay na “boss” ni Aquino? Hindi ang mamamayan, hindi ang manggagawang pangkalusugan, kundi mga pulitiko at panginoong may lupa, at  lokal at dayuhang mamumuhunan. Hindi serbisyo, kundi dagdag na kita at tubo ang layon ng mga ginawa ni Aquino. Ibayong pagkakasakit at pagdurusa ang nararanasan natin sa diumano “matwid na landas”. Walang pagbabago sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Buksan natin ang ating mga isipan, damhin ang kalam ng sikmura, isigaw ang  tunay nating kalagayan at ipaglaban ang sahod, trabaho, karapatan at serbisyong pangkalusugan. Kumilos at makipagkaisa sa iba pang aping sektor at uri ng lipunan. Organisado nating itulak ang landas ng tunay na pagbabago!

No comments: