Ngayong araw na ito, ika-25 ng Oktubre 2004 ay pormal nang ini-award sa lowest bidder and ating rice subsidy sa UP Manila (kasama siyempre ang PGH) para sa taong 2004. Ang ating bigas na nagkakahalaga ng P1,000.00 kada sako ay aabot sa 56 Kgs. o P17.86/kilogram. Ito ay Sinandomeng variety pa rin. Tinatanyang ito ay sisimulang ididistribute sa atin sa ika-3 ng Nobyembre 2004. Ang distribution ay ayon sa opisina o yunit na kinabibilangan at may eskedyul bawat opisina para hindi uli magkakaroon ng biglang buhos ng tao sa pagbaba ng bigas. Mayroong kinaukulang Memorandum na ipapalabas ang Opisina ng Tsanselor o ang Direktor kaugnay dito.
Wala pa man ang ating bigas, ay mayroong mga samut-sari at walang batayang haka-haka. May petisyon pa ngang inikot ang mga ilan nating kasamang walang magawa at mas naniniwala sa sabi-sabi kaysa makinig o humingi ng opisyal na pahayag mula sa All UP Workers Union.
Ang ating rice subsidy ay malinaw na nakapaloob sa Collective Negotiation Agreement (CNA) sa pagitan ng UP at All UP Workers Union kayat obligado ang Administrasyon ng UP na ipatupad ito, gayundin ang ating year-end incentive bonus at iba pang mga economic benefits sa ilalim ng nasabing kasunduan. Wala ring dahilan para pag-awayin ang rice subsidy at year-end incentive bonus kaya't hindi totoo na ang rice subsidy ay kukunin mula sa ating year-end incentive bonus.
At dahilan sa ang CNA benefits ay kabilang sa mga exemptions sa mga "Austerity Measures" sa ilalim ng Administrative Order 103 ng Pangulong GMA, nasa ating mga kamay kung gayun kung papayagan nating magdahilan pa ang UP sa usaping ito.
Sa ating mga kasamang kawani na patuloy na sumusuporta at sumasama sa mga pagkilos ng unyon para sa tuloy-tuloy na kampanya sa ating Sahod, Trabaho at Karapatan; taus puso kaming sumasaludo sa inyo! Nagsisilbi kayong inspirasyon para sa ibayo at mas masikhay pa nating mga pagkilos! MABUHAY!
No comments:
Post a Comment