Mula sa initial na pag-aaral mula sa mga dokumento na pinadala ng PGH sa UP System para sa justification nito sa proposed Class D Rates, lumalabas na mula sa kasalukuyang 281 na otomatikong libreng procedures at paggamit ng mga medical supplies ay bigla ito babagsak sa 40 na lamang na bilang ng libreng "initial" na serbisyo sa mga mahihirap nating kababayan; kung ang nasabing panukala ay papayagan ng Board of Regents ng Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay batay sa may 853 diagnostic and treatment procedures at paggamit ng medical sets/supplies.
Samakatuwid, ang pangunahing layunin na ang proposal ay isa lamang "quantification of free services" ay isang patagong pagpataw ng bayarin.
Ang sinasabing "pwede pa rin namang mailibre ang iba pang mga procedures, kung hindi talaga kaya ng pasyenteng magbayad" ay matagal nang ginagawa sa mga pasyente ng PGH, Class D man o hindi, subalit nangangailangan ng karagdagang proseso at panibagong paghihintay na naman ng pasyente. Sa mga mas mahal na procedure tulad ng CT Scan, matagal na ring ring proseso sa PGH na ito ay nire-refer sa PGH Medical Social Services para mahanapan ng donor.
Nararapat kung gayon na ang panibagong pagsubok na pagpataw ng bayarin sa mga Class D o "indigent" na mga pasyente ng ospital ay tutulan at labanan.
Patuloy na itaguyod ang PGH bilang pangunahing ospital ng bayan!
1 comment:
San po may pinaka-malapit at MURA na "CT Scan" sa Jose Reyes Memorial Medical Center, dun po kasi ako nag papa-check up. Ang location ko po ay sa New Antipolo St., Tondo, Manila, Phil. Any advice kung san may malapit at MURA? Please respond a.s.a.p! Thanks..
Post a Comment