Pambansang Araw ng mga Manggagawang Pangkalusugan ngayon.
Kasabay ng paggunita sa mga tagumpay at aral sa 30 taong pakikibaka ng Alliance
of Health Workers, papanagutin natin ang
Pamahalaang Aquino sa patuloy na pag-abandona sa kalusugan ng mamamayan at
karapatan ng manggagawang pangkalusugan!
Itaguyod natin at ipaglaban ang mga tagumpay sa loob
ng 30 taong pakikibaka ng AHW mula nang itatag ito noong 1984. Sa pamamagitan
ng sama-samang pagkilos, naipagtagumpay natin ang:
Ø Dagdag
na sweldo mula pa 1980’s,
ngunit nananatiling kakarampot at di nakabubuhay ang sweldong ibinibigay ng
Pamahalaang Aquino;
Ø Pagsasabatas ng Magna Carta of Public Health Workers (RA 7305) na batayan ng mga
benepisyong hazard pay, subsistence allowance, laundry pay, longevity allowance;
bagamat paulit-ulit itong binabawi ng pamahalaan, sa pinakahuli sa klasipikasyong
high risk-low risk sa pamamagitan ng DBM-DOH Joint Circular No 1;
Ø Pagpapatalsik
sa kurakot, kontra-manggagawa at kontra-pasyenteng mga hospital direktor noong 1980’s hanggang 1990’s;
Ø Paglaban
sa tanggalan/streamlining
– sa dalawang pagkakataon ng reorganissyon/tanggalan, nagawang mapanatili ang
ilang daang libong mga posisyon at naisabatas ang RA 6655 na nagseseguro sa
security of tenure ng mga kawani sa pamahalaan. Pero tinutuloy ng Pamahalaang Aquino
ang streamlining tungo sa kontraktwalisasyon sa pammaagitan ng EO 366 /Rationalization
Plan na basehan ng New Organizational Structure and Staffing Pattern sa mga
pampublikong ospital;
Ø Paglaban
sa pribatisasyon ng mga pampublikong ospital – tagumpay na
napatigil noong 1997 ngunit walang habas na itinutuloy muli ni Panguong Aquino
sa PPP ng Philippine Orthopedic Hospital at 72 hospitals sa buong bansa, korporatsoasyon
at iba pang porma; at
Ø Pagtataguyod
sa karapatan sa pag-uunyon,
Collective Negotiation Agreement (CNA), pagpapahayag at paglulunsad ng kilos-protesta.
Walang makabuluhang
napagbabago sa kalagayan ng mga manggagagawang pangkalusugan at mamamayan sa
ilalim ng Administrasyong Aquino. Nagpapalit-palit ang mga pangulo ngunit kagaya ng mga naunang
rehimen, itinutuloy ng Pamahalaang Aquino ang kontra-mamamayan at kontra-manggagawang
polisiyang papaliit na badyet para sa kagalingan ng mamamayan, streamlining at
kontraktwalisasyon, pribatisasyon, mababang sahod at kulang na benepisyo.
Pinatunayan ng Pamahalaang Aquino ang pagiging sunud-sunuran
sa dikta ng panginoong maylupa, burgesya komprador at monopolyo kapitalistang
Estados Unidos. Tanging mga local at dayuhang burgesya at monopolyo kapitalista
ang nakikinabang sa programang Kalusugang Pangkalahatan na nakapadron sa Obama
Care. Sa Two-tiered Wage System lalong ipapako sa napakababang sahod ang mga
manggagawa samantalang wala ni singkong dagadag sa sweldo na ibingay ang
administrasyong Aquino sa mga kawani ng pamahalaan at manggagawang
pangkalusugan. Nitong Abril pinagkasunduan
ni Pangulong Aquino at US President Barrack Obama ang Enhanced Defense
Cooperation Agreement (EDCA) na magbabalik sa base-militar ng Estados Unidos sa
bansa, sa kabila ng pagtututol ng mamamayan batay sa unconstitutionality,
mapait na mga karanasan ng paglabag sa karapatan ng tropang Amerikano, at pagyurak
sa soberanya ng bansa.
Walang ibang pagpipilian ang manggagawang
pangkalusugan at mamamayan kundi palakasin ang hanay at ipagpatuloy ang laban para sa ating karapatan bilang
manggagawang pangkalusugan at karapatan ng mamamayan sa kalusugan. Tanging sa
sama-samang pagkilos lamang natin malalabanan ang kontra-mamamayang polisiya at
maitatayo ang isang sistemang pangkalusugang tunay na magsisilbi sa mamamayan at manggagawang
pangkalusugan.
Singilin ang Pamahalaang Aquino sa pag-abandona sa
kanyang responsibilidad sa mamamayan at
mga manggagawang pangkalusugan!
Ipagpatuloy ang
30 taong pakikibaka ng mga manggagawang pangkalusugan para pang-ekonomiya,
demokratiko at pampulitikang karapatan at kalusugan ng mamamayan!