Photo credits to Dr. Iggy Agbayani |
Sa June 11, 2013 nakatakda ang pre-bid conference para sa
pagtatayo ng bagong building ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital. Nabigo ang
naunang bidding nito noong Marso. Itatayo ang 9-palapag na building sa loob ng
DOH compound. P750 milyon ang nakalaan para dito mula sa pambansang badyet ayon
mismo sa Department of Health.
Ano ang kaugnayan ng bagong building ng Fabella sa kabuuang
planong corporatization at Public Private-Partnership (PPP) ng mga pampublikong
ospital? Ano ang kaugnayan nito sa integration ng tri-hospital complex ng Jose
R. Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital, at Fabella? Ito ba ay
naayon sa implementasyon ng Executive Order 366 o Restructuring and
Streamlining of National Bureaucracy?
Kinokorporatisa na ang Western Visayas Medical Center
(Iloilo), habang nasa bidding ang PPP ng Philippine Orthopedic Center. Nakaamba
ang korporatisasyon ng 26 pampublikong ospital sa buong bansa.
Tama lang na ayusin at imodernisa ng pamahalaan ang pasilidad
ng ospital sapagkat responsibildad ito ng pamahalaan. Ngunit ito ay dapat
magsilbi para sa kapakanan at kagalingan ng pasyente at mamamayan, hindi para
pagkakitaan at pagkamalan ng malaking tubo ng malaking negosyo.
Ano ang implikasyon nito sa serbisyong pangaklusugan at
pasyente ng Fabella? Matitiyak ba ang security of tenure ng mga manggagawang
pangkalusugan? Nakakapag-alala ang pananahimik ng DOH sa usaping ito.
Huwag tayong magsawalang-kibo, huwag tayong magwalang-bahala.
Maging mapanuri at mapagbantay! Ipaglaban ang kalusugan at kapakanan ng
pasyente at manggagawang pangkalusugan.
Tutulan at labanan ang pribatisasyon
ng serbisyong pangkalusugan!
Ipaglaban ang sapat na badyet para sa
mga pampublikong ospital!
Ipaglaban ang abot-kaya at libreng
serbisyong pangkalusugan!